Healthy Tips: Halamang Gamot Para Sa UTI | Lunas Sa UTI
![]() |
Ang UTI ay isa sa mahirap na sakit lalo na sa mga kababaihan at mga bata, Ngunit mapalad tayong mga Pilipino sapagkat biniyayaan tayo ng napakaraming natural na mga sangkap at halaman na pwedeng makatulong para mabawasan ang paghihirap at malaking gastos sa pagpagamot ng sakit na ito. Narito ang mga natural na paraan na makakatulong sa sinuman.
1. SABAW NG BUKO: Alam natin lahat na ang sabaw ng niyog ay pang paihi. Kapag madalas ang pag inom ng buko malilinisan nito ang daluyan ng ihi, para sa mas maganda at epektibong resulta uminom ng sabaw ng buko araw araw.
1. SABAW NG BUKO: Alam natin lahat na ang sabaw ng niyog ay pang paihi. Kapag madalas ang pag inom ng buko malilinisan nito ang daluyan ng ihi, para sa mas maganda at epektibong resulta uminom ng sabaw ng buko araw araw.
2. SAMBONG: Hindi lang gamot sa diabetes mainam din itong lunas sa UTI katulad ng buko. Ang sambong ay kilalang diuretic, o mabisang pang paihi. Magpakulo ng sariwang dahon ng sambong at inumin ang pinaglagaan nito. Ipagpatuloy ang pag inom hanggang sa gumaling ang UTI.
![]() |
| photo from google |
3. BAWANG: Ang bawang ay may kakayahang labanan ang impeksyon sa katawan mo. At kabilang diyan ang impeksyon sa pag ihi o UTI. Ang bawang ay meron active ingredient na tinatawag na allicin na nagsisilbing antimicrobial at antifungal agent.
4. TUYONG DAHON NG BANABA: Magpatuyo ng 14 na pirasong dahon ng banaba, kapag tuyo na ang dahon ilaga ito sa apat na basong tubig. Inumin ang pinaglagaan apat na beses sa isang araw para sa mas magandang resulta.
5. MAIS: Ang mais ay may taglay na tannin at anti-oxidant na pinapaniwalaang nakakapagpagaling sa sakit sa UTI. Magpakulo lamang ng sariwang mais at inumin ang sabaw nito.
6. PIPINO: Balatan ang pipino at kunin ang katas nito pagkatapos ay palamigin ito sa loob ng refrigerator o kaya ibabad sa yelo. Kapag malamig na ang katas inumin ito ng diretso. Gawin ito araw araw para sa mabilis na resulta.
![]() |
| photo from google |
7. UPO: Katulad ng pipino balatan at kunin ang katas nito palamigin sa loob ng refrigerator o kaya ibabad sa yelo. Kapag malamig na ang katas inumin ito ng diretso, gawin araw araw para sa mabilis na resulta.
8. OREGANO OIL: Ayon sa pag aaral ang langis na nakukuha sa dahon ng oregano ay mabisang sangkap sa pagpapagaling ng impeksyon sa katawan ng isang tao. Ang langis nito ang mabisang pangpagaling sa UTI.
![]() |
| photo from google |
9. CRANBERRY JUICE: Ayon sa research ang madalas na pag inom ng cranberry juice ay nakakatulong sa pagbaba ng kaso ng mga taong may UTI partikular na sa mga babae, bagama't kaunti lamang ang ebidensya at testimonya tungkol dito, sinang-ayunan naman ito ng mga eksperto.
Ang mga nabanggit na halamang gamot sa UTI ay ligtas gamitin, at malaking katipiran lalo sa panahon natin. Ang problema hindi lahat ng tao magugustuhan ang lasa lalo na kapag hindi sanay. Kaunting tip lamang - pumili ng halamang gamot na iinumin na magugustuhan ang lasa para mainom ng tuloy tuloy at magkaroon ng magandang resulta o kaya'y pagtiisan sa umpisa ang lasa at kapag nasanay na ang dila ay mababalewala na ang lasa at kalaunan ay magugustuhan mo na rin at mas maganda kung mag mind set na kahit ang lasa ay di maganda ngunit dahil sa kailangan ng katawan ay kagalingan kaya dapat na pagtiisan kaysa patuloy kang magtiis ng sakit at karamdaman.
Source: Viral Issue PH






No comments:
Post a Comment