health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Ang Kontrabidang Dating Kinaiinisan, Ngayon Ay Hinahangaan? Tunghayan!


photo from google

Ilan ba sa atin ang mga makakapal ang mukhang makipagsabayan sa tapang or di ikinahihiya ang anumang trabaho marumi man or mababa basta may maipakain lang sa pamilya? Iyan ang ating pag uusapan sa ating kwento kung paanong ang isang sikat na artista at kumikita ng malaki ay biglang makikita sa kalsada at namamasada?

Noong namamayagpag sa ere ang kadenang ginto na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales, Dimples Romana, Francine Diaz, at Andrea Brillantes, inis na inis ako sa character ni Eric Fructuoso. Siya kasi ang dahilan kaya naghirap ang kalooban ng mga paborito nating bida sa katauhan nina Romina (Beauty Gonzales) at Cassie (Francine Diaz). Gayunman may pagkakataon na napapatawa rin tayo ni Alvin Mangubat (Eric Fructuoso) dahil may kahinaan din ang kanyang kukote kaya lagi siyang pumapalpak sa kanyang mga plano.

Ngunit nitong nakaraang mga araw ay muli nating natunghayan ang picture ni Eric Fructuoso kung saan ay nagmamaneho siya ng tricycle at buong yabang pa niyang ipinagmalaki na kumikita siya ng dalawang daan sa isang ruta. Balewala sa kanya kung makita ng mga tao ang kanyang ginagawa. Ang importante sa kanya ay mayroon siyang maipakain sa pamilya niya sa nakuha niya sa malinis na paraan.

Kaya naman ng makita ko ang kanyang larawan sa FB, nawala lahat ng nararamdaman kong inis noon sa kanya. Kung sabagay, hindi naman niya kasalanan ang papel na kanyang ginampanan. Iyon pa nga ang nagpatunay na isa siyang magaling na artista. At Kapag dumating sa punto na siya ay kinaiinisan mo rin.

Sa panahon nga namang ito, hindi ka na dapat pang mamili ng trabaho. Kailangan pasukin mo na ang dapat mong pasukin para mabuhay ang iyong pamilya.
 


Kaya naman, mas hinangaan siya ng publiko dahil pinili na lamang nyang maghanap ng ikabubuhay kaysa huminto at ipaglaban ang pagsasara ng Kapamilya Network.  

Saludo kami sayo , Eric Fructuoso

Anong maidaragdag niyong payo sa ating mga kababayan at bilang pag respeto sa landas at desisyong ginawa ng ating itinampok na bida sa tutoong buhay sa araw na ito? Malaya po kayong mag comment sa ibaba.



Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment