health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Boy Abunda: Sinagot If Naniniwala Ba Siya Na Involve Si Pangulong Duterte Sa Shutdown Ng ABS-CBN?



Mga kababayan kong minamahal narito po tayo sa isang napakaselang usapin na kailangan ang maayos na pagtitimbang upang hindi tayo maging bias at partisan. At bilang botante at bahagi ng lipunang ating ginagalawan kung ano ang ating nakikita at naririnig siyempre doon lang din tayo hahatol at magsasalita sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mas higit na nakararami base sa ebidensiyang di maipagkakaila at di kayang pasubalian na pinadaan sa tamang timbangan.

Basahin muli natin at limiin then timbangin ang ating artikulong maaaring magbukas ng ating isipan at paglilinaw sa isang mahalagang isyu na dapat nating himayin at tanggapin.

Nagsalita na si Boy Abunda kung naniniwala ba siya na gumawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ng tuluyan ang ABS-CBN.

Sa unang episode ng online show ni Abunda na “Talk About Talk”, nagbigay ng patas na opinyon si Abunda tungkol kay Pangulong Duterte.
                                                        photo from google

Matatandaan na ilang beses binatikos ng Pangulo ang ABS-CBN at sinabi pa nito na dapat ay ibenta nalang ng mga Lopez ang nasabing broadcasting company dahil wala na silang pag asang makakuha ng prangkisa.

Hanggang ngayon ay may mga artista at fans ng ABS-CBN ang isinisisi kay Pangulong Duterte ang nangyari sa Kapamilya Network.

“It’s very difficult to speculate. I think so… I mean, even if the President didn’t ask for the vote, some people were there to please the President,” 
ani Abunda.

Pero ayon sa King of Talk ay tinanggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ni ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Ayon sa kanya, naniniwala siyang lumambot na ang puso ng Pangulo sa ABS-CBN.

“Pero maaalala natin, let’s be fair no, after the President is very vocal about his feelings towards ABS-CBN, President of ABS-CBN Carlo Katigbak apologized. Lumambot ang Presidente. Sabi niya, okay na yun, tapos napag usapan na ‘yung bayad na tinanggap at hindi na naibalik”,
 saad pa ni Abunda.
                                                            photo from google

“Parang ako, as a citizen of this country and as someone who work for the network, ang tingin ko, ‘Ay, parang lumambot na ang Presidente sa ABS-CBN’, And I saw that, I believe that,”
 dagdag pa niya.

Isa si Abunda sa mga pinaka nalungkot sa nangyari sa nasabing istasyon.

Noong Pebrero ay tinanggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN, pero sinabi nito ang desisyon ng prangkisa ng nasabing kumpanya ay nasa kamay pa rin ng Kongreso.

Sinabi rin ng Malacanang na “neutral” si Pangulong Duterte sa ABS-CBN franchise issue.

Sa kanyang ikalimang SONA naman ay binanatan muli ni Pangulong Duterte ang mga may ari ng ABS-CBN at inakusahan ito na ginamit ang network para kontrolin ang politika sa Pilipinas.

Hindi pwedeng ipagkaila na talagang may masamang loob sa ABS-CBN mismo si Pangulong Duterte katunayan sa umpisa pa lang ay hindi kakaunting pagkakataon ang panahong nagsasalita siya against sa istasyon sa mga interview na napapanood ng maraming tao sa buong mundo. Kaya mas higit na nakararami ang naniniwalang siya talaga ang nasa likod ng pagpasara ng ABS-CBN. Pero ang patas na pagtitimbang din naman ay mas higit na malawak at malalim ang dahilan na hinimay ng kongreso kaya mas matimbang na napatunayang talagang may kasalanang dapat pagbayaran ang mga meari at opisyales ng Kapamilya network. 

So ipaubaya na po natin ang anumang kapalaran sa mga nangyari at magpanibagong bangon at balikwas na lang ang mga nasagasaan at nasaktan tutal di pa naman katapusan ng mundo para sa kanilang lahat.

Kayo po mga kababayan anong honest opinyon nyo sa mga nangyaring ito? i-comment nyo na ang reaction nyo sa ibaba.

Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment