Pangulong Duterte Positibong Balik-Normal Na Ang Sitwasyon Sa Darating Na Disyembre
![]() |
| photo from google/ President Rodrigo Duterte |
Tumatanaw na may positibong paniniwala kaya umaasa na si Pangulong Rodrigo Duterte na magbabalik na sa normal ang sitwasyon ng buhay sa bansa sa darating na Disyembre taong kasalukuyan.
Ito ay matapos makumpirma ng Pangulo na maaaring makakuha na ng bakuna laban sa COVID-19 at malaki ang posibilidad na magmumula ito sa Tsina. Tulad umano ng gamot na pinag-aaralan at ginagawa ng mga Chinese drugmakers na Sinovac Biotech at Sinopharm na mayroon nang positibong resulta.
“Ang recovery natin is normal na,” pagtitiyak ng Presidente. “We are not going back to a new normal. It’s going to be normal again.”
Hinimok ng Presidente ng Republika ang mamamayang Pilipino na maghintay pa ng konting panahon at higpit pa ng sinturon hanggang sa tuluyang mabuo ang bakuna laban sa coronavirus at maipamahagi ito sa mga nangangailangan.
“I promise you, by the grace of God, I hope by December we would be back to normal. Huwag ninyo ‘yang new normal, new normal kasi sabi ko nga noon pag-umpisa natin hintayin lang natin ‘yung vaccine,” aniya.

| photo from google |
Tiniyak din ni Duterte na uunahing mabakunahan ang mga mahihirap at naghihikahos sa bansa, ang mga maysakit at yaong mga kritikal ang kondisyon ng kalusugan. Ito daw ‘yung mga taong nasa listahan na tumatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa proseso naman ng pamamahagi ng gamot, ibibigay ito ng pamunuang ehekutibo sa hanay ng mga sundalo para matiyak na patas at walang katiwaliang magaganap. Inamin din ng Pangulo na hindi niya ito ipagkakatiwala sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan.

“Yung overall umbrella to supervise must be the armed forces. This will remove partisan, favoritism, corruption,” ayon pa kay Duterte.
Samantala, hinimok niya rin ang mga maykaya na bumili na lamang ng kanilang sariling bakuna habang inanunsyo nyang wala umano siyang planong bigyan ang mga kriminal tulad ng mga taong sangkot sa illegal na bisyo na pinaka mainit at sentro ng politikal na agenda bago man siya maupo sa Malakanyang.
Para sainyong mahalagang reaksyon just comment below and be a part of the solution not the problem.
Samantala, hinimok niya rin ang mga maykaya na bumili na lamang ng kanilang sariling bakuna habang inanunsyo nyang wala umano siyang planong bigyan ang mga kriminal tulad ng mga taong sangkot sa illegal na bisyo na pinaka mainit at sentro ng politikal na agenda bago man siya maupo sa Malakanyang.
Source: Viral Issue PH

No comments:
Post a Comment