health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Robin Padilla, Nagpayo Sa Mga Pinoy Na Pasaway Ngayong Pandemya!

Kamakailan lamang ay inihayag ng beteranong aktor na si Robin Padilla sa kanyang instragram ang kanyang mga kaisipan o saloobin hinggil sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap natin dahil sa pandemya.
Si Padilla, na kilala rin bilang isang masugid na tagasuporta ng administrasyong Duterte ay hinihikayat ang kanyang mga tagasunod na maging isang reservist. Ang lalaking celeb mismo ay bahagi ng puwersa ng reserba ng Philippine Army.


Ayon sa aktor, hindi ito oras upang pumuna sa gobyerno. Sa halip, ang mga tao, lalo na ang mga bashers ay dapat makatulong sa halip na i-drag ang gobyerno.
We are at war.” wika ni Padilla.
Sinabi niya na nais niyang maglingkod bilang isang taga paalala, lalo na para sa mga kapwa Pilipino na mukhang hindi seryoso sa pagsabog ng COVID-19.
Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa gitna ng digmaan pandaigdig laban sa COVID-19. Habang hindi pa tayo nakakaangat sa laban sa kahirapan dulot ng mga mapagsamantalang mga negosyante at mga korap sa gobyerno,” dagdag pa niya.


“Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti-unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin, buong mundo ang suliraning ito.

Kaya’t imbes na mabuhay at magising ka araw-araw sa pagrereklamo at kakabatikos, Aba'y kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan,” turan pa niya.
Binigyang diin din ni Robin na sa panahon ng pagsubok na ito, hindi dapat ito isipin ng isang tao bilang isang "oras para sa politika.”
Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag-uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang SURVIVAL ng ating LAHI at INANGBAYAN PILIPINAS,” pagpapatuloy ng aktor.

Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment