Kathryn At Daniel, Mag-Asawa Na Kung Kumilos Kasal Na Lang Daw Ang Kulang?
Ano ba talaga ang mahalagang sangkap para sa isang matagumpay na relasyon? Alamin natin ang sagot sa tambalang KathNiel.. Mukhang nagpa-practice nang maging Mrs. Padilla si Kathryn Bernardo nang magluto siya para sa boyfriend na si Daniel Padilla.
Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram story ang video ng pagluluto niya ng roasted chicken at mushroom soup na tila lunch nila ng family with Daniel.
Nang maluto ang mushroom soup ay tinawag niya si DJ at para silang mag-asawa habang ipinatitikim ng aktres ang kanyang iniluto.
“Love, come here, welcome to my cooking show,” pagtawag ni Kathryn sa BF. “You try this,” sabay-subo kay Daniel.
Nang maluto naman ang chicken, komento ni Daniel, “Babe, it’s beautiful.”
Source: Viral Issue PH
No comments:
Post a Comment