health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Marami Ba Talagang Health Benefits Ang Papaya Leaves? Alamin Dito!

Papaya Leaves


Dagdag kaalaman sa larangan ng kalusugan at siyensya:
Karaniwan ang papaya fruit sa ating mga Pilipino dahil ito ay malayang tumutubo sa mga tropical regions. Ito ay kadalasan nakikita kahit saang lugar sa ating bansa at madalas na kainin ng mga Pinoy ang prutas nito. Maaaring ihalo sa mga lutuin, gawing inumin at gamiting pang-gamot sa ilang mga karamdaman. 
Datapwat maaaring lingid sa kaalaman ng nakararami ay hindi lamang ang prutas ng papaya ang kapaki-pakinabang ngunit ang dahon nito ay may maganda ring maidudulot para sa ating kalusugan.
Ang papaya leaf juice ay may magandang maibabahagi para sa ating kalusugan. Narito ang mga maaari nitong maitulong sa atin.

1. Dengue Fever

Isa rin ang papaya juice na makatutulong sa iyo sa paggamot ng dengue. Ang Dengue Fever nagdudulot ng pagbaba ng iyong blood platelet dahil ang virus na dala nito ay delikado para sa ating dugo. Ayon sa pag-aaral ang pag-inom ng papaya juice ay nakatutulong sa produksyon ng platelet at pagtaas ng iyong blood platelet count. Ito rin ay may malakas na anti-malarial properties na nakatutulong sa pagpigil ng masamang maidudulot ng sakit na malaria sa ating katawan.

2. Good for Digestion

Hindi lamang ang papaya fruit ang may magandang maidudulot sa ating pantunaw kundi pati din ang papaya leaf o dahon nito. Ang pag-inom ng dahon ng papaya ay makatutulong sa ating pantunaw, makaiiwas sa pagkakaroon ng constipation, at naglilinis rin ito ng ating colon. Makatutulong ito sa paggamot at pagkaiwas sa pagkakaroon ng ulcers. 

3. Lower Blood Sugar Levels

Ang papaya leaf ay may kakayahan rin na makapagpababa ng asukal sa ating katawan. Sa pag-inom ng papaya juice ay hindi lamang matutulungan sa pagbaba ng blood sugar levels kundi pati na rin sa maaaring idulot ng sakit ng diabetes sa inyong katawan. 

4. Panlunas sa mga Skin Problems
Alam naman natin na ang papaya fruit ay nakatutulong sa atin sa pagpapaganda ng ating balat. May mga ilang sabon rin na sangkap ang papaya. Ngunit hindi lamang ang papaya fruit ang may kakayahan na makapagpaganda ng balat kundi pati ang dahon nito ay epektibong pampakinis. Natutulungan rin nito na linisin ang mga toxins sa iyong balat at katawan. May kakayahan itong protektahan ang iyong balat sa mga pimples, freckles at acne. Hindi lamang sa balat nakatutulong ang papaya juice kundi pati na din sa ating buhok.

5. Pampababa ng Cancer Risks

Ang papaya juice ay may nilalaman na anti-c@ncer properties. Ayon sa pag-aaral ang papaya leaf ay may kakayahang labanan ang liver, lung, pancreatic, at breast cancer. Ang anti-inflammatory properties ng papaya leaf ay nakatutulong rin sa pagbawas ng pamamaga at side effects ng ch*motherapy sa isang pasyente na may ganitong sakit.

Anong masasabi ninyo at maitatanong sa kapaki pakinabang na impormasyon dulot ng subject na ito? Comment lng po kayo sa ibaba upang mapag-usapan natin ang anumang inyong concern.. Salamat po.

Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment