health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Rider, Nawalan Ng Buhay Matapos Sumabit Sa Tali Ng Saranggola?

 

photo from google Sino ba talaga ang may hawak ng buhay ng tao? Kailan ba talaga dumarating ang pagkawala ng buhay? Ito ba ay napi preserve kapag maingat tayo sa lahat ng ating mga galaw at di basta reckless sa mga bagay na ginagawa? Or sadyang nakatakda na sa isang tao ang mawala sa mundo ng mga buhay? Sino ba talaga ang dapat managot kung sakaling ang isang tao ay mawala sa mundong ibabaw? Alamin natin ang kwentong maaaring magbigay clue kung ano ang tamang sagot sa ating mga tanong! Binawian ang buhay ang isang rider matapos sumabit sa tali ng saranggola ang kanyang leeg sa Vigan City, Ilocos Sur nu'ng Lunes (Setyembre 21).

Kinilala ang biktima na si Benedict Paiste, 36-anyos at isang electrician. Naabutan siya ng mga tao na duguan sa Bypass Road sa bahagi ng Barangay Cabalangegan at agad namang dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit dead on arrival na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Lieutenant Charlie Angya-on, hepe ng Vigan City Police, naka-helmet umano ang biktima pero tumama sa leeg nito ang tali ng saranggola.

Batay din sa kapatid nitong si Richard Paiste, huminto ang kapatid at bumagsak. Nagtamo rin ng sugat sa leeg ang angkas nito ngunit nakaligtas.

"Pagkahinto, bumagsak ang kapatid ko, malalim kasi ang sugat pati lalamunan niya at malalaking ugat ang natamaan," sabi ni Paiste.

Hinuli naman si Alvin Reintegrado, isa sa mga naglalaro ng saranggola, ngunit itinanggi nitong ang sumabit na tali ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

"Noong napatid 'yung tali ng saranggola, nagsialisan na rin kami. Inayos na nu'ng kasama kong bata 'yung tali," sabi ni Reintegrado.

Gayunman, sinabi ni Angya-on na mananagot sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang taong responsable sa nangyari sa biktima. Meron ba kayong pwedeng idagdag sa pinag-uusapang ito? Just leave your comment and thank you for your valuable time.


Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment