Sino Kaya Ang Batang Aktres Na Makakapagpatayo Na Nang Bonggang Bahay Sa Edad Na 17? Kilalanin!
Ilan ba sa atin ang may binuong pangarap sa puso at isip na hindi natin ito tinigilan hanggang sa atin itong nakamtan? Gaano kasaya at kaligaya na sa wakas ay iyong makikita at masisilayan ang katuparan ng iyong minimithi sa buhay. Ating tunghayan ang isang kwento ng buhay na magsisilbing
inspirasyon na ang isang pangarap kapag determinado kang marating ay iyong matatanggap.
Pagkatapos ng ilang taon na mangarap at maraming taon ng pagsusumikap, si Andrea Brillantes, 17, ay ilang hakbang na lamang sa wakas makakamit niya na ang isa sa kanyang pinakamalaking layunin sa kanyang buhay:
“Ang pagbuo ng isang maganda at komportableng tahanan para sa kanyang buong pamilya!”
Si Andrea ay palaging bumabanggit tungkol sa kanyang mga pangarap at plano para sa kanyang sarili, lalo na para sa kanyang family.
Sa kanyang Youtube channel na pansamantala ay hindi na siya aktibo, sinabi ni Andrea na naghanda na siya para sa kanyang pagtatayo ng bahay ngunit maaaring magtagal bago ito matapos.
At noong nakaraang taon lamang, Setyembre, ang unang hakbang sa reyalidad ng kanyang mga pangarap ay sa wakas nagsimula na.
Way back her interview with Magandang Buhay last 2010, little Andrea was already set.
“Dati pa lang po nung nag-e-extra-extra pa ako, pangarap ko na talagang magkabahay."
“Wala din po kasi talaga kaming sariling bahay po. Lagi lang po kaming nagre-rent.”
Idinagdag pa niya na habang hinihintay nila ang bahay, si Andrea at ang kanyang pamilya ay kasalukuyang umuupa ng isang maliit na bahay upang mapaunlakan sila sa pansamantalang oras.
“Mas cheap siya para mas makapag-ipon ako para sa bahay na
pinapagawa ko.”
Sa Gold Squad Youtube channel isa si Andrea na kabahagi nito, binigyan din ng batang aktres ang kanyang mga tagahanga ng isang sulyap sa pag-usad ng konstruksyon site.
Ang bahay ay may tatlong palapag at anim na silid. Ang kanyang lola, si Susan Brillantes, ay magkakaroon ng sariling silid sa unang palapag; ang kanyang ina, si Mabel Gorostiza, at ang kanyang mga kapatid — sina Kayla, Nina, at Kismet — ay magkakaroon ng kani-kanilang silid.
“Gusto ko talaga yung subdivision na ito kaso dati, wala pa akong cha-ching [pera] at wala pa akong show.” pagbahagi nya.
“So sabi ko, wag na. Pero nung nagkaroon ng Kadenang [Ginto], naisip ko, baka naman kaya na.” pagpatuloy ng aktres.
Yan po ang ating bida na sa kanyang murang gulang ay nakapag pundar ng mahalagang asset para sa minamahal na mga kapamilya.
Anong masasabi nyo sa tagumpay ng ating batang aktres?
Comment na sa ibaba for your valued reaction.
Source: Viral Issue PH






No comments:
Post a Comment