health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Tim Sawyer Inireklamo Sa Tulfo Ng Nagsabing Siya'y Inanakan At Iniwanan Sa Mindanao?


                                                              photo from google

Gaano ba kahirap ang dumaan sa isang sitwasyong maiiskandalo ng husto ang iyong pangalan at makakaladkad sa iba't ibang kahihiyan? Ano ba ang damdamin ng taong dumadaan sa ganyan? Alamin natin ang saloobin at pinagdadaanan ni Tim Sawyer.

Pagkatapos na kumalat sa social media at marinig sa segment ng TV5, Binanatan ni Tim Sawyer ang isang babae na nagreklamo sa Raffy Tulfo in Action at sinabing may anak sila ng nasabing vlogger.

 

Ikinuwento ni Winhelyn Romero na nagkaroon sila ng relasyon ni Tim noong 2007 sa isang siyudad sa Mindanao.

 

Nabuntis diumano ni Tim si Winhelyn, ngunit nawalan daw ng gana ang vlogger sa kanilang relasyon matapos nitong malaman na nagdadalang tao ang nasabing babae.

 

Pangarap daw diumanong mag artista ni Tim kaya’t hindi pa daw ito handa noon na magkaroon ng pamilya.

 

Hindi maganda ang naging katapusan ng kanilang relasyon at napilitan si Winhelyn na ipangalan nalang sa kanyang kinakasamang foreigner ang anak nila ni Tim.

 

Pinabulaanan naman ni Tim ang akusasyon ni Winhelyn at sinabing nakikisali lang daw ang babae sa isyung kinakaharap niya ngayon.

 

Matatandaan na inakusahan rin si Tim ng kanyang kasalukuyang kinakasama na si China Roces ng pagtatago ng milyon milyong kinikita nito sa kanyang mga videos.

 

Dinaan din ni Tim sa social media ang kanyang galit kay Winhelyn at sinabing hindi niya kailangan magpa DNA test.

 

“PA IYAK IYAK KA SA TULFO TAPUS NGAYON KO LANG NALAMAN WLA PALA SA PODIR MO YUNG BATA!!!! ANO SENSE NITONG PINAG LALABAN MO? SA MATA NG BATAS HINDI KO ANAK YUN KASI HINDI NAKA PANGALAN YAN SA DATI MONG ASAWA/BOYFRIEND TINURING KO NA PARANG ANAK KO NA RIN YANG ANAK MO DI KO KAILANGAN E PROVE NA AKO ANG TATAY O HINDI SA BATA KAYA KO NAMAN BUHAYIN YUNG BATA KONG YAN TINATANONG MO… NO NEED D.N.A TEST PERO GAGAWA KA NG KADRAMAHAN SA TULFO DI NAMAN PALA IKAW NAGPAPALAKI SA BATA KAPATID MO NAKAKA HIYA KA…SANA DI MO NA LANG PINA ABOT SA GANITO DINAGDAGAN MO LANG PROBLEMA KO!!” saad ni Tim.

 

Binura rin ni Tim ang kanyang banat kay Winhelyn at sinabing tatahimik nalang siya sa isyu.

Idadaan niya nalang din daw sa korte ang akusasyon ni Winhelyn sa kanya.

 

“Regarding doon sa nangyari sa TULFO, nais ko sanang pasalamatan sila sir RAFFY at ang kanyang staff sa pag bigay sa akin ng opportunity para marinig ng tao yung side ko. Sa ngayon nais ko na pong manihimik muna and to take things LEGALLY, gawa ng ayoko ng meron akong masaktan na ibang tao,” ani Tim.

 

“Para doon sa bata, kame na lang po bahala ng aking legal team. pero I will assure you na lahat ng GALAW namen ay PARA SA IKABUBUTI nya. Ayaw ko na po siya isali dito sa kaguluhan ko sa social media. Meron o walang DNA TEST, masasabi kong mahal ko itong batang ito,” dagdag pa niya.

 

Isang linggo na ang nakakaraan na inamin ni Tim na mayroon siyang anak sa Mindanao.

 

“HINDI KO TINATANGI NA MAY ANAK AKO SA MINDANAO.. ALAM NG PAMILYA AT KAIBIGAN KO YAN.. KAHIT SI CHINA ALAM NYA ANG ISSUE KO NONG KABATAAN KO,” saad ni Tim.

Anong masasabi ninyo at maitatanong tungkol sa subject na ito. Comment lng po kayo sa ibaba upang mapag-usapan natin ang anumang inyong concern.. Salamat.



Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment