SPEECH | Pagtatapos at Pagsisimula
(Greetings)
Chancellor Ditucalan, members of the Board of Regents, MSU system officials and campus chancellors, MSU-IIT officials, parents, graduates, ladies and gentlemen.
Para sa akin, isa sa pinakamahirap gawin ay ang mga graduation speeches.
We are expected to give words of wisdom (kahit minsan pakiramdam ko kulang pa ako sa wisdom). We are expected to hold your attention (kahit napakaikli na ngayon ng attention-span). So please huwag n’yo naman ako ilaglag ngayon. Kapit lang mga bes.
We are expected to give you a road map on how to navigate the so called “real world,” kahit sa totoo lang, marami nang hindi “real” o hindi totoo sa mundong ito.
I am 51 years old but I still feel like a child, marami pa akong hindi nalalaman. Thirty years na akong journalist, pero takot pa rin ako sa mga pagbabago ng mundo. I am a professor at a university, pero ako pa rin ay isang estudyante ng buhay.
Tulad ninyo, I am still trying to navigate the real world. hindi ko pa ito kabisado at marami pa akong dapat matutuhan.
Kaya ang ituturo ko sa inyo ngayon, ay life lessons na hindi nanggaling sa isip ko. Bagkus, life lessons na natutuhan ko lang din sa aking pakikisalamuha sa mga tao.
Tatlo lang ito. So please be patient with me.
Isa sa pinaka-memorable na graduation na aking saksihan ay nangyari noong April 2015 (10 years ago) sa isang maliit na sitio sa Zambales. Elementary graduation ng isang batang Ayta, si Mauwe Liwanag. Memorable ito sa akin kasi yung tatay niyang si Joseph ay isang linggong nagpasan ng mga kawayan para lang may panghanda sa araw na iyon.
Araw-araw nagbubuhat ng kawayan ang pamilya Liwanag. Naglalakad sila ng tatlong oras mula sa bundok pababa ng bayan, pasan ang mabigat na buho. At papasanin nila ang kahit na ano, makapagtapos lang sa pag-aaral ang mga bata.
Ang hindi alam ng maraming tao, mula 2015 nang unang umereang dokyung ito, tahimik silang tinutulungan ng news anchor na siMike Enriquez. For seven years, tinulungan niya ang pamilya Liwanag hanggang sa pumanaw siya noong 2023.
Sampung taon mula nang una ko silang makilala, binalikan ko ang pamilya Liwanag.
At ang batang si Mauwe, ay papasok na sa kolehiyo sa taong ito. BS Education ang kanyang kukuning kurso.

And so my first life lesson for you today is this:
Kung gusto mong humaba ang iyong buhay, matuto kang magbigay. Ang this is true for anything in life. Kung gusto monghumaba ang buhay ng iyong tagumpay, matuto kang magbigay. Kung gusto mong humaba ang buhay ng iyong talento, ituro at ibahagi mo ito sa ibang tao. Kasi habang buhay ang mga taong naturuan at natulungan mo, buhay din ang alaala mo.
The second life lesson is this: Never give up on your dreams.
Noong 2016, nagpunta ako sa Lanao del Sur para gumawa ng istorya tungkol sa problema ng child marriage sa Pilipinas. According to the United Nations, there are an estimated 726,000 child brides in the Philippines, making it the 12th country with the highest number of child marriage cases in the world. One in six girls in the Philippines will get married before turning 18.
Marami akong nainterview na mga batang babae noon, na ang tanging pangarap ay makapagtapos ng pag-aaral.
Isa sa kanila si Omnia Ebrahim who was just 9 or 10 years old at that time. Ang kanyang pangarap: makapagtapos ng pag-aaral. Sinabi ko sa kanya, do not give up on your dream. When she turned 14 or 15, ito yung edad na yung ibang batang babae ay nagpapakasal na, kinabahan ako kung magpapatuloy sya. And she did. That is the power of dreams.
Ngayon, Omnia is in 2nd year college taking up Nursing. May kapangyarihan ang ating mga pangarap. Kapangyarihang magpabago ng kamalayan, kapangyarihang magpabago ng buhay at pag-iisip. Kapangyarihang makapagpabago ng ating mga komunidad.
Mula sa Mindanao, magtungo tayo sa Visayas. Sa probinsya ng Eastern Samar kung saan nakilala ko ang ilang child laborers. There are an estimated 863,000 child laborers in the Philippines. And one of them is Anthony from Guiuan Eastern Samar.
Sumisid ng tuyom o sea urchins at mga sea cucumbers o balat si Anthony. Para may pambaon sa eskwelahan. Tulad ni Omnia may pangarap din siyang makapag-aral. Pero nang tanungin ko siyakung ano ang pinakamataas niyang panaginip, ano ang gusto niyang maging trabaho. Nagulat ako sa kanyang sinagot.
Ang dokyu na ito ay nagkamit ng nomination sa Int’l Emmy Awards. Pero hindi ito ang pinakamalaking karangalan na aming natanggap para sa istoryang ito.
Walang masama sa pagiging janitor. Pero alam ko na sa kapangyarihan ng edukasyon, baka puwede pang magbago o tumaas pa nang kaunti ang kanyang panaginip. Pinag-aral namin si Anthony at makalipas ang ilang taon.
Ito na si Anthony ngayon. Nakapagtapos na sa kolehiyo, ang kurso BS Political Science.
Never give up on your dreams. Never give up on education.
The great Nelson Mandela once said: Education is the greatest weapon we can use to change the world.
And lastly, never give up on people.
Palagi akong tinatanong bakit ako pumupunta sa mga liblib nalugar? Bakit ako lumulusong sa mga tubig? Bakit ako umaakyat ng bundok?
Kasi sa 30 taon ko bilang mamamahayag, natutuhan kong sa pinakamadidilim na sulok ng ating bansa, posibleng sumilip ang liwanag. May liwanag sa gitna ng dilim.
At gaano man tayo kahirap sa salapi, mayaman tayo sa malasakit.
Ang nagturo sa akin nito ay ang mga katutubong Mangyan ng Mindoro Oriental.
They are one of the most discriminated in Mindoro. They are often called primitive, uncivilized and uneducated. Pero noong nakipamuhay ako sa kanila, nalaman kong mas matalino sila sa akin.
Hindi ko malilimutan ang isang itinuro nila sa akin na ituturo ko rin sa inyo ngayon — Ang mabigat ay gumagaan kapag maramiang pumapasan.
At dahil gusto naming pagaanin din kahit papaano ang pasan ng mga kapatid nating Mangyan. Pagkatapos ng dokyu na iyon, marami ang nakapanood at nahipo ang puso. Nakapagpatayo tayo ng sampung iba’t ba’t ibang health centers sa gitna ng bundok. Para hindi na nila kailangang magpasan at maglakad nangnapakalayo.
Katulad ni RG Castillon na pangarap maging duktor matapos niyang mapanood ang Ambulansyang de Paa. Salamat RG, mapapagaan ang pasan ng mga kababayan dahil sa iyong paglilingkod.

Kapag nahihirapan na kayo sa trabaho at nawawalan na ng pag-asa.
Alalahanin ang kuwento ni Mike Enriquez at ng pamilya Liwanag, ang pangarap nina Anthony at Omnia at ang bayanihan ng mga katutubong Mangyan.
Sa dami ng problema ng Pilipinas, I know sometimes you might feel hopeless. You might feel helpless. You might think, wala natayong pag-asa.
But let me remind you…
Hindi mo kailangan maging milyonaryo para makatulong sa kapwa mo
Hindi mo kailangan maging pulitiko para makapaghatid ng pagbabago
Sana maalala niyo ito kapag nagdedesisyon kayo sa inyong tatahakin sa mundo.
Never underestimate the power of compassion.
Ang mabigat ay gumagaan kapag marami ang pumapasan.
Sa totoo lang, hindi ko alam bakit “Pagtatapos” ang tawag sa graduation.
Marahil pagtatapos ng mga pagsubok? Pero ang totoo, simula pa lang ito ng mga tunay na hamon.
Pagtatapos ng pag-aaral? Pero hindi ba’t dapat patuloy tayong matuto sa mundo?
Pagtatapos ng kabataan? Pero sa paglilingkod… dapat palagi nating bitbit ang pag-asa at pangarap ng kabataan.
Hindi ito pagtatapos, kundi isang simula.
Maligayang pagsisimula.
Pagsisimula ng inyong mga pangarap para sa sarili at sa mas nakararami.
Congratulations!
Magdasal, Magpasalamat at Magmalasakit
No comments:
Post a Comment