TAUSUG IN DOHA: Pagtangis ng Langit
Humahagulgol ang langit
Walang tigil, araw gabi
Tila walang nagmamalasakit
Na siya’y damayan.
Ang kanyang luha—bumabaha.
Hindi ba’t mayroong nangangasiwa
Sa mundo ng lupa
Tuloy-tuloy ang luha
Ng nagdadalamhating langit.
Nasaan ang maraming panyo?
Meron pa ba?
O, wala bang kahit kamay man lamang
Bakit ayaw pahiran
Bakit hinahayaan
Pinapabayaan!?
Nalulunod ang mga langgam
Sa lupa—
malaking kaguluhan
Pagod sila sa paghahanap ng
Kabuhayan.
Bakit kaylangang sila’y malunod sa laot ng—
Luha..?
Tulong!! Tulong!!
Sana’y may maawa…
(Mindanawon Abroad is MindaNews’ effort to link up with Mindanawons overseas who would like to share their experiences in their adopted countries. Gamson Jr Mawallil Quijano of Sulu is a registered Radiologic Technologist who works in Doha, Qatar.)
No comments:
Post a Comment