TAUSUG IN DOHA: Balita sa Inang Bayan

Minsan ayoko na.
Ayoko nang magbasa’t makinig
Ng balita mula sa Inang Bayan.
Dahil bawat pahina, bawat ulat—
puro na lang masamang balita!
Nakakagalit.
Nakakalungkot.
Nakakadismaya.
Meron talagang mga pinuno—
Imbes na magsilbi ng tapat,
marangal,
dalisay,
totoo—
ay tila ba kabaliktaran ang ginagawa.
Hindi ba’t iyon ang dahilan
kung bakit sila nakaupo?
Hindi ba’t iyon ang sinumpaan nila?
Na ang bayan ay unahin,
na ang tao ang alagaan,
na ang puso at isip ay bigyan ng ginhawa?
Ngunit bakit sila pa—
sila pa mismo—
ang nagiging sanhi ng sakit ng ulo?
Bakit sila pa
ang nagpapabigat sa dibdib
at nagpapabigat sa isip?
Kung tutuusin,
sila ang dapat gumagawa ng magagandang bagay
na puwedeng ibalita.
Sila ang dapat nagbibigay dahilan
para ngumiti ang mamamayan,
para mapawi ang takot,
para magningning muli ang pag-asa.
Pero bakit?
Bakit kabaliktaran?
Bakit tila nakalimutan nila
kung sino ang pinaglilingkuran?
Haay…
Sobrang stressful!
(Mindanawon Abroad is MindaNews’ effort to link up with Mindanawons overseas who would like to share their experiences in their adopted countries. Gamson Jr Mawallil Quijano of Sulu is a registered Radiologic Technologist who works in Doha, Qatar).


No comments:
Post a Comment