health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

REFLECTIONS: Alhamdullilah, tuloy pa ang buhay natin

reflections mindaviews column

ZAMBOANGA CITY (MindaNews / 09 November) — Madalas ako sa eroplano at bihira akong kabahan kasi usually natutulog lang ako. Pero kaninang umaga, kinabahan ako. Ng mas matagal.

Kasi nagising ako nung sabi ng piloto, nasa 25 minutes na lang ang gasolina ng eroplano, kaya parang wala din saysay kung paikot-ikot at hindi naman umaayos ang pagiging mahangin at maulap ng panahon. Kaya mas mainam daw na subukan ulit. 

Ramdam ko sa tono ng piloto ang pagkakaba at tila ba kausap nya sarili nya at kinukimbinsi na kailangan nang magdecision na subukan mag landing kasi paubos na gasolina at parang mas lalong sumasama ang panahon.

Nakaupo ako sa pinakaharap. Nakikita ko sa dalawang bintana sa kanan at kaliwa na halos zero visibility dahil sa ulap. At parang sasakyan sa hindi sementong daan gumagalaw ang eroplano. Parang nakasakay sa old model na roller coaster ng peryahan ng barangay. 

Sampung minutos ang nakaraan, ang sabi ng piloto, 16 minutes of fuel na lang daw. At kung wala pa, kailangan na mag divert sa ibang airport.

Napuno ng tanong ang isip ko. Saan ang ibang airport? Kung Tawi Tawi halos isang oras. May gasolina pa ba para doon? Sa Sulu kaya mga 45 mins? O kaya Pagadian o Cotabato?

Pag sinabi ba ng piloto na 16 minutes na lang ang fuel natin eh yun na yun or may back up na na isang oras para magamit paliipad sa alternative airport? 


Ito ang bumagabag sa aking isip.

Lumipas pa ng 5 minuto at puros ulap ang sa kanan at kaliwang bintana. Hmmmm…sabi ko, ituloy natin ang pag dasal. 

Tinitingnan ko ang dalawang flight stewardess sa harap at ang isa ay tila nagsusulat sa isang maliit na notebook. Inisip ko yun kaya ang flight log or pag ganito dapat ba nagsusulat na rin ako ng mi ultimo adios?

Tsaka ko na tiningnan ang pulang lever sa pinto ng eroplano at sinubukang tandaan ang itinuro ng flight stewardess kung sakaling may emergency. Altho di din ako sure if matandaan ko ng klaro.

Sa likod ko tahimik at tila hindi kabado mga kasamang pasahero. 

Sa harap, inisip ko, siguro kabado din ang piloto. At lahat kami ay nakasalalay sa kanya ang aming buhay. Hindi ko alam kung standard yun na sabihin na ilang minuto na lang ang gasolina natin para mabigyan ng panahon ang mga pasahero para magdasal. Kasi wala naman talaga magawa ang pasahero kundi magdasal at magmuni-muni kung ito na ba ang panahon at baka mag-isip kung ano kaya kung ito na? Sapat na ba ang nagawa natin sa buhay? Paano na ang maiiwan, makakatayo din kaya sila. 

Ang mga panahon na ganito ay parang munting pagpaparamdam at pagpapatanda na talagang hindi natin hawak ang buhay natin. Nasa Diyos. 

At salamat sa Diyos.

Nung sinubukan na lumanding ng plane, akala ko abot na kami sa San Roque fence ng airport kasi malakas ang hangin at hindi ko alam kung nag overshoot ba ang landing. 

Nung nakahinto, nagpalakpakan ang mga pasahero. Alhamdullilah, tuloy pa ang buhay natin.


Pagbaba na, doon ko pa narinig sa mga pasahero na lahat pala ay kinabahan at nanalangin.


Buntot lang ni Bagyong Uwan ay halos di na makalanding ang eroplano kahit walang ulan. Paano pa kaya kung may ulan pa at centro ng bagyo?

Buti na lang na move ko na flight ko bukas para sa Maynila kasi mukhang sasalubungin talaga ang mata at bangis ni Super Typhoon Uwan. Mas Malaki pa daw ito kesa kay Ondoy.


Hindi ko makalimutan ang sinabi ng piloto na 25 minutes na lang po gasolina natin at 16 minutes na lang po…tapos paikot-ikot pa kami ng halos sampung minuto sa 5 minutes na lang ba gas namin?

Parang countdown.. parang nasabayan namin lahat ang actual na problema at suliranin ng piloto kung paano maisalba ang buhay ng mahigit isang daang pasahero.

Salamat Kapitan sa pag pa landing ng eroplano. Mga piloto at mga stewardess ay mga araw-araw na bayani ng bayan – lalo na sa mga ganitong masamang panahon.

Alhamdullilah for life.

Hindi ako mahilig mag post ng Tagalog at mag emote. Ngayon lang. ibig sabihin kinabahan talaga ako kanina 

Alhamdullilah for life.

(BARMM Member of Parliament Don Mustapha A. Loong shared this piece on his social media page Sunday morning, November 9, about his experience in an aircraft from Manila that circled several times before it could land in Zamboanga City just as super typhoon ‘Uwan’ rammed across Luzon. MindaNews was granted permission to publish this). 


No comments:

Post a Comment