75-Year-Old Na Lolo Dala-Dala Sa Isang Basket Ang Apo Habang Nagtatrabaho!
photo from google
Ayon kay lolo Juanito kahit may edad na sila ay patuloy pa rin silang nakikipagsapalaran at naghahanapbuhay upang ang kanilang apo ay hindi matulad sa kanilang naging kapalaran na niloloko at pinagsasamantalahan ng mga taong nakapaligid sa kanila yamang sila ay walang natapos at kokonti lng ang alam sa buhay. Katulad din ng kanyang mga kapatid at kapamilya na pinagkaitan ng kapalaran na makapag aral dahil sila ay nasa malayong lugar at bunga ng kahirapan sa buhay.
Maging ang nanay ni Javel na si Angel ay di rin nakapag aral at napilitang iwan ang bata sa kaniyang nanay at tatay dahil kailangan nyang magpakatulong since na pintor lamang ang kanyang asawa na tatay ni Javel ngunit parehas silang nawalan ng trabaho dahil sa dumadaang pandemya.
Nang sila ay matagpuan ng KMJS team inalam ang lahat nang kanilang problema at kalagayan at sila ay buong pusong sinaklolohan at dinala sa malapit na eye especialist at tinulungan din ng local rural health units at binigyan ng kaukulang vitamins upang at iba pang kinakailangang tulong sa buhay lalo napag alamang kahit sa anumang kahirapan di sila nakakalimot na magsimba at manalangin sa Poong Maykapal (hindi na po natin dinetalye ang lahat ng ginawang tulong).
Dahil sa misyon ng KMJS ang tapat na pagtulong sa mga nangangailangan sila ay nabigyan ng kaukulang pagsinop ng kabuhayan at bumuhos ang tulong ng groceries, salamin sa mata, at ibang kaukulang pagkalinga kaya abot abot ang malaking pasasalamat kasabay ng pagluha ng buong mag anak na parang pinagtampuhan ng biyaya ngunit ngayon sila natagpuan at pinaramdam sa kanila na sila’y mahalaga at may habag ang langit para sa kanila.
photo from googleNawa’y nakapulot po tayo ng mahalagang aral sa buhay at inspirasyon na kapag ikaw ay nangangailangan wag kang maubusan ng pag asa at patuloy ka lang na manalangin at di magtatagal ang habag ng langit ay iyong kakamtin.
Sumasaludo rin po kami sa KMJS team at sa lahat ng bumubuo ng GMA
Comment n lng po kayo sa ibaba sa inyong damdaming na touch sa kwentong ating itinampok ngayon.
Source: Viral Issue PH






No comments:
Post a Comment