health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Kinagigiliwan: Mga Dressed Chicken Na Pinag-Chillax Muna Bago Gawing Tinola!



photo from Facebook Page "Rant" and Google 
Anong paboritong luto mo sa manok? Mahilig ka rin ba maglaro habang nagluluto?

Mababasa sa sikat na nobela ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere" chapter 3, na kahit noong panahon pa nang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay paboritong ulam na ng mga Pilipino ang tinolang manok bilang sabaw na pampagana or appetizer.



Photo from facebook page "Rant"
Kinaaliwan ng mga netizens ngayon ang isang larawang tampok sa Facebook page na “Rant.” Makikita sa litratong ibinahagi na pinagkatuwaan ng naglinis sa mga manok na gagawing tinola. Inilagay niya ang apat na manok na inalisan na ng ulo at mga balahibo sa isang tray na may lamang tubig.

Ayon sa caption, “Chill muna bago gawing tinola.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Hahaha kakatuwa naman. Chillax muna bago ulamin,” sabi ng isa.

Sabad naman ng isa, “Nakakaaliw. Sana hindi na lang muna tinanggalan ng ulo, para mas cute tingnan. Ay, sabagay, baka hindi magustuhan ng marami.”


Photo from Google 
Sa tradisyonal at nakasanayang pagluluto nito, bukod sa manok ay kinakailangan din ang mga sangkap gaya ng papaya o sayote, dahon ng siling labuyo bawang, luya, sibuyas, at patis o bagoong. Kung wala namang papaya o sayote, maaaring maging alternatibo ang upo. Kung wala ring dahon ng sili, maaaring pamalit ang pechay, spinach, dahon ng moringa, at mustard green. Maaari ding maglagay ng patatas o kamatis.

Bukod sa manok, maaari ding gawing tinola ang isda, iba pang seafood, o maging karne ng baboy. Nakakahalintulad ng tinola ang iba pang mga putahe gaya ng binakol at ginataang manok, subalit ang kinaiba lamang, ito ay may gata. o coconut milk.
Photo from Google 
Ang pinakamalapit sa lasa ng tinola ay ang ulam na “lauya” ng mga Ilokano, bagama’t ang ginagamit na pinakasahog nito ay bahagi ng paa ng baboy o baka at hindi manok. Sa mga Bisaya, may tinatawag silang “utan” o sinabawang gulay na binubuo ng dahon ng moringa at iba pang mga gulay.

Sa panahon natin ngayong nasa ilalim tayo ng pandemya kahit na anong putahe basta masustansya ay pwede na dahil sa kailangan natin ang extrang lakas at tibay ng pangangatawan upang ating mapagtagumpayan ang nagpapahirap sa ating bayan at sumira ng napakaraming kabuhayan kaya kahit sa ganitong paraan ay makapagbigay ng konting aliw at inspirasyon upang hindi maubos ang ating atensyon sa nakapagpapahinang mga balita araw araw..

Comment po kayo sa ibaba upang maibsan ang pangamba at pagkabagot sa ating kalagayan at tumanaw tayo sa positibong mga bagay sa hinaharap.



Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment