health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Anak Daw Ni John Regala, Nais Makita At Makilala Ang Matagal Nang Hinahanap Na Ama!

photo from google 
Kamakailan lang ay muling nagtrending sa mga pahayagan at social media accounts si John Regala matapos niyang humingi ng tulong sa isang Grab delivery rider nang makaramdam ng pagkahilo sa isang area sa Pasay City. Napabalita na may mga iniindang karamdaman ang dating mahusay na aktor.

Bunsod nito, isang barangay kagawad ang humingi ng tulong kay Ginoong Jojo Gabinete ng Cabinet Files na maipakilala sa aktor na si John Regala ang sinasabing anak nitong lalaki na matagal nang hinahanap ang ama.

Ayon kay Gabinete, lumapit sa kanya si Gloria Silva del Mundo, kagawad ng Barangay Banjo East sa Tanauan, upang ihingi ng tulong ang 24-anyos na si John Santos na makilala ng aktor.
Anak umano ng sikat na kontrabida ng pelikulang Pilipino ang binata sa isang dating entertainer sa Japan na nagngangalang Vilma Santos, kapangalan ni Batangas Representative at dating aktres na si Vilma Santos-Recto.
photo from google 
Ayun sa barangay kagawad, sa Japan daw nagkakilala ang aktor at ang ina ni John Santos. Nang malaman diumano ni John Regala na buntis na si Vilma, hindi raw ito naniwala na siya ang ama ng bata sa sinapupunan ng karelasyon marahil dahil sa nature ng kanyang propesyon.
“Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay,” ika ni Del Mundo.
Seven years old na raw ang bata nang umuwi silang mag-ina sa Batangas buhat sa Japan. Ang butihing lola raw nito ang kumupkop sa bata.
“Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya,” pagsasalarawan ni Kagawad Del Mundo sa diumano'y anak ng aktor.
Handa naman umanong magpa-DNA test ang binata upang makumpirma kung talagang anak nga siya ni John Regala.

Narito po ang isang nagdudumilat na realidad sa mundong ibabaw:

Blood is thicker than water: ito ang kasabihang mahirap pasubalian na kahit saang lupalop man ng sanglibutan - hahanapin at hahanapin ang "isinisigaw ng damdamin" na tunay niyang pinagmulan. 
Para po sa inyong anumang reaksyon open po ang ating comment section..

Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment