health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Paskil Sa Isang Palikuran, Humakot Ng Katatawanan Sa Mga Hindi Apektadong Mamamayan.

                                      
Nagbunsod ng maraming reaksyon at katatawanan sa mga aktibong netizens ang isang paskil sa dingding ng isang pampublikong palikuran na hindi naman natukoy kung saang establishment.

Isa sa mga proper etiquette lalo na kapag nasa pampublikong lugar ang pagfa-flush o pagbubuhos ng tubig sa inidoro matapos itong gamitin. Ito ay bilang pagpapakita ng paggalang sa kapwa-taong susunod na gagamit ng palikuran upang tumalima sa tawag ni Inang Kalikasan.

Minsan, may mga tao talagang kinalilimutan, nakakalimot dahil sa pag aapura o kaya naman ay kinatatamaran itong gawin o dili kaya'y kawalan ng maayos na facilities sa isang area.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga naaliw na netizens ang larawan ng paskil na nakadikit sa dingding ng isang palikuran, sa hindi tinukoy na establishment.
                           photo from facebook page "Rant" 
Makikita sa Facebook page na “Rant” ang paskil na may nakasulat na pagbabantang pauyam sa sinumang tao na gagamit ng palikuran at hindi magfa-flush o magbubuhos ng tubig dito.

“Pakilunok ng ta* kung hindi kayang buhusan!” pauyam na utos sa paskil na labis na ikinaaliw ng mga netizens.

Dahil dito, hindi kakaunting netizens ang nagbitaw ng reaksyon at komento hinggil dito.

"Naubusan na siguro ng pasenxa ang nag aasikaso nyan? haha lalo kung araw2 na lang na ginawa ng Diyos ay ganyan ang nakikita at napapansin!" wika ng isa

“Nagalit na ang janitor sa kalilinis ng mga inidoro na hindi binubuhusan! Marami talagang ganiyan, hindi iniisip ang kapakanan ng mga susunod na gagamit,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “Hay naku maraming ganiyan sa mga comfort rooms sa mga park. Bago ka maihi eh mauuna ka munang maduwal sa sobrang baho. Minsan talaga dapat maging bulgar at harsh sa mga tao para naman tumimo sa isip at puso nila ang mga maling practices nila.”

“Minsan din kasi sira ang flush ng inidoro o kaya walang tubig, kapag duming-dumi ka na, minsan hindi na nache-check iyan, ang mahalaga mairaos ang pangangailangan hahaha. Next time kasi, make sure na may tubig bago gumamit. Bawal mag-iwan ng ebidensiya,” turan naman ng isa.

                                   Photo from google 
Konting paalala lang po mga kababayan para sa di maiiwasang pag gamit ng palikuran dala ng matinding pangangailangan gaya ng pag-ihi at pagdumi, wag makalimot na mag-flush o magbuhos ng tubig bilang respeto sa mga susunod na gagamit nito. Ika nga sa isang matandang kasabihan sa wikang Ingles, “Cleanliness is next to Godliness". Ngunit para naman sa iba "Cleanliness is indeed a godliness"

Comment below for an additional inputs in this free nation samantalang may pagkakataon!



Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment