Pokwang Masama Ba Ang Loob Na Umalis Sa ABS-CBN?
![]() |
photo from google |
Naranasan nyo na bang mapamahal sa isang bagay at dumating ang time na kailangan mo nang iwanan dahil sa malinaw na kadahilanan? Ito ang leksyong iiwan sa atin ng itatampok na bida na dahil sa di maiiwasang sitwasyon mabigat man sa kalooban ay kailangang tanggapin at dapat na harapin ang realidad ng kapalaran.
Hindi napigilan ng komedyante at ngayon ay host sa TV5 na si Pokwang na hindi mapaiyak nang sariwain niya ang kaniyang paglisan sa bakuran ng ABS-CBN matapos ang 15 taon, sa virtual press conference para sa kaniyang bagong game shows na “Fill in the Bank” at “Bawal na Game Show” sa TV-5 Kapatid Network.
Hindi napigilan ng komedyante at ngayon ay host sa TV5 na si Pokwang na hindi mapaiyak nang sariwain niya ang kaniyang paglisan sa bakuran ng ABS-CBN matapos ang 15 taon, sa virtual press conference para sa kaniyang bagong game shows na “Fill in the Bank” at “Bawal na Game Show” sa TV-5 Kapatid Network.
Kabilang kasi si Pokwang sa mga artista ng ABS-CBN Kapamilya Network na maagang inabisuhang wala nang kontrata, kaya naman, nagpapasalamat pa rin siya sa pamunuan dahil nabigyan siya ng pagkakataong makahanap ng paraan.
![]() |
photo from google |
Pamilyadong tao si Pokwang kaya hindi maaari ang “ngumanga” o huminto sa pagtatrabaho. Nagsimula ang karera ni Pokwang nang manalo siya sa isang comedy contest sa naturang network, at the rest is history, ‘ika nga.
Mabigat umano sa kalooban ang tuluyan niyang pamamaalam sa mga kapamilya sa ABS-CBN subalit labis-labis umano ang kaniyang pasasalamat sa Kapamilya Network dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kaniya sa nagdaang mahabang panahon ng kanyang karera. Naunawaan naman daw siya ng mga kasamahan sa “Banana Sundae”, ang gag show na kinabibilangan ni Mamang Pokwang, sa kaniyang naging desisyon.
![]() |
photo from google |
Bukod kasi sa may sarili na siyang pamilya, siya rin ang nagpapagamot sa kaniyang nanay na may iniindang karamdaman na “Alzheimer’s.”
Bagama’t napagsarhan ng pinto, nagbukas naman ang mga bintana ng TV-5 sa kaniya, sa pamamahala ng APT Entertainment. Hindi lang isa kundi tatlong shows ang ginagawa niya ngayon. Bukod sa nabanggit na mga game show, may morning show pa siya na “Chika, Besh” kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna-Sotto.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes ng 10:00 ng umaga. Ang Fill in the Bank naman ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ng 7:30 ng gabi sa TV-5.
Masaya rin ba kayo sa naging turn of events sa buhay ng ating comedienne? ibahagi nyo sa comment sectionsa ibaba ang inyong saloobin sa ganitong kwento!
Source: Viral Issue PH
No comments:
Post a Comment