health

[health][bsummary]

vehicles

[vehicles][bigposts]

business

[business][twocolumns]

Saan Kang Tipo Kasama - “Madaldal Sa Chat, Tahimik Sa Personal Or Kabaligtaran?”

Photo from Facebook Page "Rant" 
Anong tipong personalidad ang kinabibilangan mo sa mundong ito? Madaldal na tahimik or tahimik na madaldal or depende sa sitwasyon?

Kinaaaliwan ng mga netizens ang isang litrato ng post sa isang Facebook page.

Makikita ang larawan ng dalawang chatmates na nagkita o "eye ball" ngunit nagkakahiyaan naman sa pag-uusap sa isa’t isa.

Ikaw ba ang tipo ng taong “madaldal sa chat subalit tahimik naman sa personal or kabaligtaran ka nito?”

Sadyang may mga tao na napakahusay magsalita at magkuwento sa text o chat subalit kapag nakipagkita na, tila nauumid ang dila sa pagsasalita; tipong mapapanisan ng laway.

                               Photo from Facebook Page "Rant" 
Ayon sa caption ng naturang post. “Yung ang daldal ninyo sa chat tapos nagkita kayo in person,”
Marami naman sa mga netizens ang “relate-much” dito kaya nagbahagi sila ng kani-kanilang mga karanasan hinggil dito.

Kwento ng isa, “Hahaha, naaalala ko pa noong nagkita kami ng Ex ko, Kung ano-ano ang sinasabi namin sa text. Lahat na yata nasabi na namin sa isa’t isa. Hanggang sa mapagpasyahan naming magkita sa isang mall sa North EDSA. Hindi kami nagkikibuan hahaha. Kaya nanood na lang kami ng sine, at least doon hindi ka required makipag-usap.”

“Hay naku, ganiyan din kami noong una ng asawa ko. Hindi kami nag-usap masyado sa unang meet up namin. Actually nga tinaguan ko siya noon hahaha,” saad naman ng isa.

Sabat naman ng isa, “Normal naman ang magkahiyaan pa kayo sa unang beses ninyong pagkikita. I could say na ibang-iba talaga ang senaryo at sitwasyon sa chat o written communication kaysa sa oral communication hehe. Sa personal kasi, maiilang ka na dahil hindi ka na makakapagsinungaling hahaha.”


                                   Photo from Google 
Ayon sa mga eksperto, sadyang magkaiba ang oral at written na komunikasyon. May mga taong talagang magaling sa pagsasalita ngunit hindi makapagpahayag sa panulat; habang may mga tao namang napakahusay sa panulat ngunit hindi mahusay magsalita.

Bagaman meron din iilang individual na parehas expressive sa salita at sa panulat o kaya'y magaling mag express ng kanyang saloobin at iniisip bagaman sa oral na komunikasyon ay hindi basta mahihimay ang sasabihin pero at least may mga taong sadyang pinag aralan lahat ng sasabihin kaya pagdating sa harapan ay kaya nyang i express ang kanyang nasa puso at isip.


Ikaw, naranasan mo na rin ba ang ganitong sitwasyon? comment na po kayo sa ibaba at wag pahuhuli!


Source: Viral Issue PH

No comments:

Post a Comment